Tuesday, February 12, 2008

Soneto XX

Literature, like love, knows no bounds. In an age where poetry seems trivial and love, fleeting, my own translation of the Soneto XX of Pablo Neruda to Filipino aspires to be a reminder of how powerful words are in chronicling the triumphs and failures of love, especially when our very actions fail to grasp its immensity. (Tanto la literatura como el amor no tienen límites. En una época cuando la poesía parece trivial y el amor, pasajero, mi propia traducción del Soneto XX de Pablo Neruda al filipino aspira a ser un recuerdo del poderío de la palabra para recordar los triunfos y las derrotas del amor, sobre todo cuando nuestras mismísimas acciones ya no logran captar su inmensidad.)



Maaari kong tulain ang mga pinakamalulungkot na kataga ngayong gabi.

Tulain, halimbawa, “Maningning ang gabi at kumikislap ang mga bughaw na bituin sa kalayuan.”

Umiihip at umaawit ang hangin sa kalangitan.

Maaari kong tulain ang mga pinakamalulungkot na kataga ngayong gabi.

Minahal ko siya at minsa’y minahal din niya ako.

Sa mga gabing tulad nito hawak ko siya sa aking mga bisig.

Hinahagkan ko siyang makailang ulit sa ilalim ng gabing marikit.

Minahal niya ako, minahal ko rin siya.
Papaanong hindi mo mamahalin ang gayong mga matang mapupungay at makahulugan?

Maaari kong tulain ang mga pinakamalulungkot na kataga ngayong gabi.

Isiping hindi na siya akin. Damhing wala na siya.

Pakinggan ang di masukat na gabi, higit na di masukat ngayong wala na siya.

Sa ganito’y nananaog ang kataga sa kaluluwa tulad ng hamog sa damuhan.

Anong silbi ng pag-ibig kung hindi ko siya maangkin?

Maningning ang gabi at wala siya sa aking piling.

Ito nang lahat. Sa kalayuan ay may umaawit. Sa kalayuan.

Hindi mapayapa ang aking kaluluwa nang siya ay mawalay.

Hinahanap siya ng aking tingin nang sa gayo’y mailapit siya.

Hinahanap siya ng aking puso, ngunit wala na siya sa akin.

Ang dating gabing nagpapakinang sa mga dating puno.

Kami, kaming dating naroon, ay di na katulad ng dati.

Totoong hindi ko na siya mahal, subalit minahal ko siya nang labis!

Hinanap ng aking tinig ang hangin upang marating ang kanyang pandinig.

Sa iba. Siya'y sa iba na. Tulad noong siya’y dati sa aking mga halik. Ang kanyang tinig, ang kanyang katawang mahalina. Ang kanyang mga matang makahulugan.

Totoong hindi ko na siya mahal, ngunit siguro’y mahal ko pa rin siya.

Lubhang napaikli ng pag-ibig, at lubhang napakahaba ng paglimot.

Sapagkat sa mga gabing tulad nito, hawak ko siya sa aking mga bisig.

Hindi pa rin mapalagay ang aking kaluluwa nang siya ay mawalay.

Maging ito man ang huling sakit na idudulot niya sa akin, at maging ito man ang mga huling katagang tutulain ko sa kanya.

2 comments:

Patricio Iglesias said...

Excellent translation! Of course I don't speak Filipino, but I must fit well with you. HAHAHA
I consider that any translation is a very good step to approach two different cultures.
By the way, I'd like you visit my blog. I have posted an article that talks about the Filipino identity. If you have time, I'd like to know your opinion.
Greetings from Argentina!
Your friend

Patricio Iglesias

Anonymous said...

marami nang nakagawa niyan. :)

isang dagdag na salin sa tula ni neruda.


louise amante

Powered By Blogger